Friday, April 27, 2007

HEROES EPISODE 19 NOW OUT!


...at lumabas narin ang graphic rendition...panalo!

Thursday, April 26, 2007

Prescription for Happiness: 3 x a week at Loft 130 :)

Kapag may malungkot o masayang balita, may okasyon man o wala, may problemang kailangang pagsaluhan…nandito kami...sa Loft 130. Oo sa Loft 130. :P

May quotable quotes pa ngang nabubuo eh. Tulad nito: "Accounts are people too!" sabi ng aking kaibigan na itago nalang natin sa pangalang Diyosa ng Kagandahan. Oo si Pao. :P

















May origami sessions pa. For free. Kaso kailangan mo bumili ng beer o yosi para makagawa ka ng masterpiece.

Wednesday, April 18, 2007

our pets...our family

ang bagong miyembro ng aming munting pamilya...si justice. ang aming 4-month old na boxer.
















at ipinapakilala ko narin ang iba pa naming kapamilya (kahit kapuso ako ng OVER! hehe)

si denzel at si birdie
si birdie at dilaw
my one and only bro and furball






Friday, April 13, 2007

ang teknolohiya nga naman part 2

Ang Teknolohiya : Nakabubuti sa mga Kalalakihan

Sabi ng marami, technology connects people.
But from a girl’s perspective, I don’t think so.

Noong araw, noong telepono palang…

“I tried to call you but your line was busy.”
“Gamit ng mommy yung phone eh. Sorry ha.”
“Naputulan kami.”
“Grabe telepono parating busy! Nakakiinis ha,”

And then came the pager…

“Bad trip yung operatore eh. Di kami magkaintindihan.”
“Laging busy yung 114.”
“Wala akong magamit na phone eh. Di ako maka-page.”

Now there’s cellphone…

“Lag lang siguro.”
“I texted you twice! Di mo nakuha?”
“Left my phone sa car.”
“Low batt eh. Di ako naka-charge.”
“Wala nakong load.”

It’s very clear why technology and men get along.
The latter seem to have found a new alibi to make us women wait endlessly for them to call, page or text.
And Nokia claims they connect people together? Ha! I beg to disagree.

- Apr 4, '07

ang teknolohiya nga naman....

Ang Lapis at ang Papel

“Kanina pako naghihintay dito ha. Parang wala kang kabalak-balak na dumikit man lang sa akin,” ang sabi ng papel.

“Aba hindi ko naman kasalanan kung di ako makalapit sayo. Mukhang walang planong mag-sulat ‘tong taong ito eh,” sagot ng lapis.

“Pareho lang tayo. Munting kasangkapan lamang na walang silbi kapag walang gumagamit sa atin,” dagdag ni lapis.

“Oo nga eh. Kanina pa ako nakatiwangwang dito. Alam mo kahit dumihan nila ako, ayos lang sa aking basta maramdaman ko naman na ako’y may silbi. Ilang beses na tayong pinagpalit. Una sa isang mekanismong kailangan mo pang gamitin ng kuryente para umandar,” hinaing ng papel.

“Hay naku. Magtigil ka na nga diyan at isipin mo yang mga sinasabi mo. Mas lumalabas ngang may silbi tayo sapagkat kapag ang mga taong yan ay naingayan sa kaka-manikilya o kapag nawalan ng kuryente, sa tingin mo kanino sila babaling? Sa atin diba? Tsaka tigilan mo na nga ang kadramahan mo diyan! Alam naman nating dalawa na di lang gumagana ang utak niyang taong yan kaya eto tayo naka-tengga lamang dito. Tsempohan mo nalang yung electric fan. Kapag humarap sayo, padala ka sa hangin para mapansin ka!”

Apr 4, '07