Friday, April 13, 2007

ang teknolohiya nga naman....

Ang Lapis at ang Papel

“Kanina pako naghihintay dito ha. Parang wala kang kabalak-balak na dumikit man lang sa akin,” ang sabi ng papel.

“Aba hindi ko naman kasalanan kung di ako makalapit sayo. Mukhang walang planong mag-sulat ‘tong taong ito eh,” sagot ng lapis.

“Pareho lang tayo. Munting kasangkapan lamang na walang silbi kapag walang gumagamit sa atin,” dagdag ni lapis.

“Oo nga eh. Kanina pa ako nakatiwangwang dito. Alam mo kahit dumihan nila ako, ayos lang sa aking basta maramdaman ko naman na ako’y may silbi. Ilang beses na tayong pinagpalit. Una sa isang mekanismong kailangan mo pang gamitin ng kuryente para umandar,” hinaing ng papel.

“Hay naku. Magtigil ka na nga diyan at isipin mo yang mga sinasabi mo. Mas lumalabas ngang may silbi tayo sapagkat kapag ang mga taong yan ay naingayan sa kaka-manikilya o kapag nawalan ng kuryente, sa tingin mo kanino sila babaling? Sa atin diba? Tsaka tigilan mo na nga ang kadramahan mo diyan! Alam naman nating dalawa na di lang gumagana ang utak niyang taong yan kaya eto tayo naka-tengga lamang dito. Tsempohan mo nalang yung electric fan. Kapag humarap sayo, padala ka sa hangin para mapansin ka!”

Apr 4, '07

No comments: