may 9 2007...kaarawan ni lakas nang araw na ito. lumabas ang grupo para mag-salo salo. mga bandang alas-dos, nag-paalamanan na at kanya-kanya kaming nag-tungo sa mga sasakyan. sumabay kami ni akit kay lakas.
cut to: pagdating namin sa bahay ni akit, nakigamit pa kami ng banyo ni lakas at dali daling lumabas ng bahay at bumalik sa kotse. pag-sakay...aba ayaw mag-start. sige, sabi namin, hintay lang muna matapos ang isang stick ng yosi, sinubukang muli ni lakas paandarin ang kotse. ayaw parin. mag-aalas-kwatro na nung mga oras na yun.
sinubukan naming magpaka-ak at nag-paka mekaniko kami. sinilip ang tangke ng coolant, walang laman. baka nag-over heat. dali-dali naming tinawagan si akit para humingi ng tubig...para sa kotse, at para sa mga lalamunan naming tuyong-tuyo dulot ng alak. naiwan ako sa kotse at bumalik si lakas sa bahay ni akit.
pag-dating ni lakas, nilagyan namin ng tubig ang radiator, pinagbabasa ang kung ano mang parte ng makinang nag-iinit. sinubukang paandaring muli ang sasakyan...ayaw parin (time check: alas-singko na). aba, iba na ito. nag-pasya kaming tumawag sa mga pwedeng makatulong...ded batt ako (o diba ang ganda?). buti nalang gumagana ang celfon ni lakas.
nakatawag kami sa mga akala naming makakatulong sa sitwasyon, walang nangyari. :P AYAW NIYA TALAGANG UMANDAR. at dahil alas-singko palang, walang ni-isang tao sa paligid, wala ring masakyan. kaya't nagmuni-muni nalang muna kami, hangga't napansin naming paakyat na ang araw.
alas-sais. naglakad lakad kami sa village. at mukhang narinig na ng Diyos ang aming panalangin, may dumaang taxi. at dun na natapos ang aming adventure. hinding hindi ko makakalimutan ang araw na ito...ang araw na hinanaphanap namin si olga. :P
lakas, happy birthday :)
No comments:
Post a Comment